Bakit Si Atty. Chel Diokno?

Dear KaPAB,

Eto ang pang lima kong #Bak8tList.

ATTY. CHEL DIOKNO

Sa murang edad naranasan na ni Atty. Chel kung gaano kaimportante ang karapatang pantao.

Noong panahon ng Martial Law, kinulong ang Tatay niya kahit walang kasong nakasampa.

Marahil ito ang dahilan kung bakit ginusto niyang mag abogado. Nagtapos sa UP Diliman sa kursong Philosophy. Nag-aral Ng pagka abogado sa US, at nagtapos ng magna cum laude at Nakatanggap ng American Jurisprudence Award for Excellence in the Study of Contracts.

Kung tutuusin puwede siyang manatili sa US at magtrabaho na lang doon, mas malaki ang sweldo, mas mabilis ang pag asenso. Pero mahal niya ang bayan eh. Umuwi siya ng Pilipinas para ipagtanggol ang mga inaapi.

Si Chel Diokno ngayon ang Chairman Ng FLAG, Free Legal Assistance Group. Group of lawyers na tumutulong sa mga taong inaapi at walang kapasidad magbayad sa mga abogado.

Naipanalo niya ang kaso ng mga pamilyang biktima sa Doña Paz tragedy.

 

Pati ang pinaglalaban ng mga guro, tinulungan din ni Atty. Chel.

 

 

Mga ordinaryong mamayan na nasa laylayan. Mga biktima ng Tokhang na walang kalaban-laban.

 

Si Chel Diokno ang puso ay para sa Pilipino kaya hindi katakataka na maraming kilalang personalidad ang sunusuporta kay Atty. Chel.

 

 

Si Chel na may paninindigan. Ang “woke” Lolo ng bayan.

 

 

“Chel” Lang,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *