Bakit Pag Si Busy Presidente Leni Robredo Ang Bilis Ng Aksyon?

Dear KaPAB,

Naalala niyo ba yung mga taong nastranded sa ilalim ng tulay ng NAIA?

Di ba agad tinulungan ng OVP? Binigyan ng hygiene kit at pinakain.

Yung mga nilipat ng gobyerno sa Villamor Elementary School, hindi din pinabayaan ni Busy Presidente Leni Robredo.

Dinalhan niya din ng pagkain.

Patuloy ang pakikipagtulungan ng Tanggapan ni VP Leni Robredo sa mga lokal na pamahalaan upang makauwi sa kani-kanilang mga bayan at probinsya ang mga na-stranded nating kababayan.

Nitong mga nagdaang linggo ang natulungan ay  umaabot sa 784 na locally stranded individuals (LSIs), kabilang na ang mga taga-Albay, Quezon Province, Sorsogon, Camarines Norte, Camarines Sur, Samar, at Masbate.

 

 

Upang siguruhing ligtas ang mga mananakay, sumailalim muna sa disinfection procedures at temperature check ang bawat pasahero bago makasakay sa bus.

Para naman mapawi ang gutom at pagod ng mga pasahero, namigay rin ang OVP ng hot meals at iba pang makakain sa kanila.

Siniguro na kumpleto ang dokumentong kailangan ng LSI ang medical certificate at ang authorization mula sa lokal na pamahalaan ng kanilang uuwiang lugar.

Ganito dapat yung trabaho, mabilis at systematic.OVP ay nakipartner sa LGU at private sector para mabilis ang solusyon sa problema.

Binuksan na rin ang temporary shelters para sa mga frontliners sa Lung Center.

The Oasis Project, isa sa mga inisiyatibong bunga ng pagkakaisa ng OVP at ng #AngatBuhay partners sa gitna ng COVID-19 crisis.

 

 

Hangarin ng proyektong ito na mabigyan ng ginhawa ang ating medical frontliners, sa gitna ng mga hamon na kanilang hinaharap sa mapanghamong panahong ito.

Mula sa ordinaryong Pilipino hanggang sa ating mga frontliners hindi napapagod si Busy Presidente Leni Robredo na tumulong.

Hindi siya gaya ng iba na once a week na nga lang magbibigay ng report puro kunsomisyon pa ang lumalabas sa bibig.

Kakarampot na budget vs. bilyones na budget, pero sino ba ang nagbibigay ng tunay na solusyon?

Hay naku.

Humahanga Kay Busy Presidente Leni Robredo,

PAB

PAB