Bakit Nakakalungkot Ang Desisyon Ni Duterte Sa Kaso Ni Jennifer Laude?

Dear KaPAB,

Nang mapabalita na maaring mapaaga ang paglaya maraming nalungkot, marami ang nagtanong kung ano ang ginawang computation ng DOJ. Nag file ng motion ang family ni Jennifer Laude para sana maipaliwanag sa kanila ang nangyari. Pero bago pa man nalaman ang desisyon korte inunahan na ni Duterte.

Bakit naging mas masakit Ito sa mga Pilipino? Kasi hindi ito simpleng krimen. Karumal- dumal ang nangyari kay Jennifer Laude.

“On the night of October 11, 2014, in Olongapo, Philippines, a 26-year-old Filipina trans woman named Jennifer Laude was killed by 19-year-old Private First Class Joseph Scott Pemberton.

Thirty minutes after checking in, Pemberton left the motel, leaving the door to the room ajar. Staff found Laude’s naked body, partially covered from the waist down, with her neck blackened with strangulation marks and her head in a toilet bowl.

Jennifer Laude died by drowning in a toilet bowl.”

This is hate crime. Nagalit siya kasi naloko daw siya? Dapat ba everytime magagalit ay papatay? Sapat ba na justification ang galit sa pagpatay?

Eto ang part sa testimony ni Pemberton.

“It”, tinawag niyang “it” si Jennifer Laude.

Kung hinintay na lang sana Ni Duterte ang paliwanag ng Bucor at DOJ, kung dapat nga bang iklian ang parusa, hindi sana ganito kalala. Ni hindi hiningi ni Pemberton pero kusa niyang binigay.

Samantala ang mga matatandang preso na matagal na nakikiusap na sana makalabas ay di man lang nabigyan ng awa na galing sa Malacañang.

Bakit ganun pag mayaman at may kapangyarihan ang bilis magbigay pero pag mahirap hindi pinapansin.

Akala natin Tapang At Malasakit? Drawing lang pala yun.

Yamot Sa Sinungaling,

PAB