Bakit Mali ang Presidente?

Dear KaPAB,

Pag- usapan natin itong suspension ni Presidente laban sa kay Deputy Ombudsman Carandang. Simplehan lang natin.

Una, di ba po may mga batas tayo na sinusunod? Sa atin po ang pinaka Supreme sa lahat ay ang Constitution. At sabi sa ating Civil Code,

Article 8. Judicial decisions applying or interpreting the laws or the Constitution shall form a part of the legal system of the Philippines. (n).

Sa madaling sabi pag may mga decision na ang Supreme Court dati, kasama na siya sa ating legal system na dapat natin sundin.

Now, bakit mali ang Presidente dito?

Kasi dati po may kaso po na po noong 2014 Gonzales III v. Office of the President na napagdesiyunan ng Supreme Court.

 

Klaro po ha sa decision na the President has no disciplinary authority over a Deputy Ombudsman. So impossible na hindi ito alam ng mga abogado ni President Duterte or si Duterte mismo.

 

Samakatuwid, sinadyang lumabag sa constitution ang Presidente sa desisyon na to. Eto ay hayagang pambabastos sa Korte Suprema at sa ating Saligang Batas.

Anong puwedeng ilabas ni Deputy Ombudsman Carangdang, at kahit labag sa batas na desisyon ay ginawa ni Duterte? Bakit ganun na lang ang takot sa mga bank accounts na hawak ni Sen. Trillanes, at nagpalabas agad ng suspension kahit hindi naaayon sa Saligang batas? Di ba sabi hindi totoo? Bakit takot?

Tama po si Ombudsman Morales, na hindi sundin ang presidente sa suspension ni Deputy Ombudsman Carandang.

 

Kailangan ang Saligang Batas ang mangingibabaw. No one is above the law, kahit pa ikaw ang the best president in the solar system.

Kung hindi naman totoo ang bilyones na bank account bakit kailangang sumuway sa batas ang Presidente?

Alam natin na totoo ang bank account, pero ang dapat mapatunayan kung totoo nga ba ang bilyones na pumasok sa bank account na to.

Karapatan ng taong bayan malaman ang totoo, lalo na ang 16 milyon na mga Filipino na bumoto sa inyo.

Wag nang malipatan bardagulan, sign the waiver na lang para matapos na lahat ng ito.

Yamot sa Sinungaling,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *