Bakit Magkaiba Ang Sinasabi Ng DFA at Malacañang Kumpara Sa Lumabas Na Imbestigasyon Ng Marina at Philippines Coastguard?

Dear Secretary Teddyboy Locsin,

Noong July 4, naglabas ka ng ganitong statement. Sabi mo ayun sa imbestigasyon may kasalanan din mangingisda natin.

 

Saan niyo po kinuha ang hanash na yan? Kasi kabaliktaran po siya sa nilabas na report ng Philippines Coastguard at Marina.

 

 

Ang sabi dito may pagkukulang ang Chinese vessel sa pangyayaring pagbangga.

 

“The reports stated that power-driven vessels in motion “shall keep out of the way of a vessel not under command or a vessel restricted in her ability to maneuver.”

This is stipulated in Rule 18 of the Collision Regulations or Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea, 1972 (COLREG 72).”

At yung sinasabi mong walang ilaw ang bangka? Luh, hindi totoo yun. Kasi ayun sa report may sapat silang ilaw.

 

Sinunod ng F/B Gemver ang maritime regulations pagdating sa ilaw. So saan mo nakuha na walang sapat na ilaw ang bangka?

Ngayong, lumabas na ang katotohanan na walang kasalanan ang ating mangingisda, ano ang plano niyong gawin ni President Duterte? Diplomatic protest? Or kahit man lang pagkondena sa ginawa nila sa ating mangingisda?

Wala pa din? Bow pa din sa China? K.

Yamot Sa Traydor,

PAB

Source:

https://www.rappler.com//nation/234700-chinese-ship-failed-prevent-sea-collision-final-coast-guard-marina-report-june-2019

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *