Bakit Ko Iboboto Si Cong. Gary Alejano Bilang Senador?

Dear KaPAB,

Sabi ko, bago ko iboboto ang isang tao kikilalanin ko muna. Ayoko na kasing magkamali at maging dahilan para mahirapan ang bansa.

Based sa aking research taga Sipalay City, Negros Occidental pala si Cong. Gary. Simpleng probinsiyano. Nag-aral pala ng Electrical Engineering for 2 years, pero since gusto niya talagang maging sundalo at pagsilbihan ang bayan, noong 1991 pumasok siya sa PMA kung saan nakatapos siya ng Bachelor of Science in Naval System Engineering. Kaya pala, knowledgeable siya talaga at very concern sa nangyaring Frigate Scandal kung saan nainvolve yung alalay ng Presidente.

Captain ang rank niya sa Philippines Marine Corps. At dahil magaling siyang sundalo, member siya ng elite Marine Force Reconnaissance Battalion. Isa siya sa mga forefront sa mga laban sa Mindanao, yung mga combat and rescue. Nasugatan pa siya noon, dahil hindi siya pumayag na may maiwan na isa sa mga kasamahan niya. Doon palang medyo bumilib na ako. Kasi eto ang tao na alam kong hindi papabayaan ang taong pinagsisilbihan niya.

OAKWOOD INCIDENT

Nalaman ko noong nasa marines pa si Cong Gary, naexpose siya kung ano ang totoong kalagayan ng mga nasa laylayan ng lipunan. Nakita niya ang injustice, hunger at kawalan ng pag-asa. Kaya naging radical ang kanyang paninindigan dahil sa kagustuhang maiparating sa gobyerno ang hinaing ng mga Pilipino.

PARTYLIST REPRESENTATIVE

Naging  Partylist Representative noong 2013 under the Magdalo Para sa Pilipino Party List (MPPPL). As a Congressman nakita ko kung paano siya nagtrabaho, sa daming bills na ginagawa.

Naramdaman ko kung paano niya walang kapaguran na pinaglalaban ang ating karapatan sa West Philippines Sea. Nakita ko din kung paano niya pinagtanggol ang mga maliliit na mangingisda na pinagnanakawan ng mga Coastguard ng China. Ayaw din niya sa corruption, napanood ko kung paano niya pinapaimbestigahan ang mga taong nagsasamantala ng pera ng bayan. Nasa tamang lugar ang puso ng taong to.

ASAWA, ANAK, KRISTIYANO

May respeto sa kababaihan si Cong. Alejano. Isang faithful husband kay Ms. Minerva “Minnie” Cojuangco.  Ginawan pa nga dati ng fake news na related daw sa Cojuangco nila PNoy. Yun pala kaapelyido lang. Simple lang ang pamumuhay ng pamilya ng mga Alejano.

Biniyayaan ang pamilya ni Cong. Gary ng limang anak. Limang tsikiting na tinuturuan nila nang tamang pamumuhay.

Never kong narinig nagmura si Cong. Gary. Never ko din siyang narinig na nambastos ng kababaihan. Wala akong nabasang corruption issue sa kanya. May takot sa Diyos at ginagalang ang karapatan ng bawat Pilipino.

Alam ko, hindi masasayang ang boto ko kay Congressman Gary Alejano sa senado.

Marangal na sundalo. Matinong mambabatas. Nasa tamang lugar ang puso.

Sa 2019, Alejano sa Senado, iboboto ko.

Boboto nang Tama,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *