Bakit Kailangan Pumili ng Tama sa 2019?

Dear KaPAB,

Minadali ng administrasyong Duterte ang Federalismo, bakit kaya?

1. Kasi ito ang magpapalawak sa kanyang kapangyarihan. Sa federalism, May tinatawag na transition period. At during the transition period, lahat ng kapangyarihan ay nasa Presidente. Isipin niyo na lang ngayon na limitado ang kapangyarihan niya bagsak na ang ekonomiya tapos ang daming pinapatay araw-araw tapos sobrang balahura pa siya. Paano na lang kung hawak niya ang lahat ng kapangyarihan?

2. Sa federalism draft may isang provision doon about sa National Territory na tinanggal ang exclusive rights natin sa ating teritoryo.

Hindi na siya pareho sa constitution natin ngayon na we have exclusive rights.

Yung “exclusive” tinanggal nila,  bakit kaya? Para majustify ang sinasabi nilang co-ownership ng teritoryo natin sa China? Galawang traydor di ba?

Magtataka kayo kung bakit ang apat na senador na to ay pilit na tinutulak sa atin ang federalismo.

Eto ang mga senator na kahit alam nila na ikakapahamak ng bansa ang federalismo ay pikit mata pa ding iniendorse. Ayun sa mga expert sa laki ng gagastusin  sa federalism baka magkaroon tayo ng hyperinflation. Lalong tataas ang mga bilihin.

Ngayon hindi pa sila makagalaw kasi wala silang numero sa Senado. Kaya important evening ang boto natin sa election 2019. Kailangan nating iboto ang hindi maglalagay sa bansa natin sa kapahamakan. Kailangan piliin natin ang kandidato na ang kapakanan ng bayan ang iniisip. Kasi pag nanalo ang Team China, kawawa ang bansa natin.

Huwag nating iboto ang pareho sa apat na senador na ito. Importante ang boto mo, nakataya ang bayan mo dito.

Boboto ng Tama,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *