Bakit Kailangan Mag-Inhibit si Aling Tersing and the Gang?

Dear KaPAB,

Nabalitaan niyo na naman kung paano nagbago ang paninindigan ni Duterte about CJ Sereno, sabi niya dati, wala syang kinalaman. Pero ngayon, lumabas na ang katotohanan.

So yung pambabastos ng mga Congressmen sa mga alipores ni Duterte sa Lower House ay puwede nating sabihin na may basbas niya?

Tapos sinasabayan pa ng ilang Associate Justice ng personal na mga conflict nila na parang mga highschool.

Si Aling Tersing sa una palang may isyu na. Bitter na si Ate pagkapili ni CJ Sereno.

Mula sa simula may bitterness na. Ang the rest na apat ay may mga personal na isyu na.

Yung pagfile ni Calida ng Quo Warranto na unconstitutional, ay mukhang may basbas na din ng pangulo.

Sana man lang idismiss na lang ang quo warranto or mag-inhibit ang lima.

Saan ka naman nakakita na ang accusers, sila pa ang mga witness tapos sila pa ang mga hurado?

Aba lokohan na to? Sobrang panggigipit kay CJ Sereno na. Si Duterte at ang kanyang mga alipores ay gumagalaw na.

Huwag tayong pumayag. Binabababoy na ni Duterte ang ating Saligang Batas.

Magsalita. Makialam.

Lalaban para sa Bayan,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *