Bakit Kailangan Ipaglaban si CJ Sereno?

Dear KaPAB,

Ang dami dami nang nangyayari sa bansa. Inabswelto mga drug lord, nakalaya mga corrupt, state witness ang prime suspect at araw-araw pa din ang patayan.

Hindi natin maasahan ang Congress na gumalaw kasi most of them ay sunod sunuran kay Duterte.

Ngayon nanganganib ang ating hudikatura. Lahat ng paraan ginagawa ng mga kampon ng dilim para masolo nila ang kapangyarihan ng bansa. Mawawala na ang checks and balance ng pamahalaan.

Si CJ Sereno gustong harapin ang kaso niya sa impeachment proceedings. Pero itong tauhan ni Duterte na si Calida nagfile ng quo warranto. Kahit na sinong abogado alam na labag ito sa Saligang Batas. Pero sa panahon ngayon pinapauso nila ang baluktot na batas.

Si CJ Sereno ay handa silang harapin. Pero may kumalat sa FB na mukhang may isang associate justice na nilalakad daw para magrant ang quo warranto. Sana hindi totoo. Kasi kung totoo, mga masamang tao talaga.

Ang IBP nagpahayag na ng pagtutol nagfile na ng intervention.

Kung ang mga grupo ng abogado nirerespeto ang due process, dapat din siguro ibasura ng mga mahistrado ang quo warranto na inihain ni Calida.

Dapat natin tutulan ang pambabalahura sa ating saligang batas. Dapat nating ipaglaban si CJ Sereno.

Para sa katotohanan at para sa bayan, kailangan nating sabihin Quo Warranto, Ibasura!

I Stand With CJ Sereno,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *