Bakit Kailangan Iboto Ang Walo?

Dear KaPAB,

Ang susunod na election ay isang mahalagang laban para sa bayan. Hayaan niyo akong ipaliwanag sa inyo kung bakit.

Eto ang sitwasyon ng bansa ngayon.

 

 

 

Alam naman natin na sobrang taas ng inflation. Isang malaking factor kaya nangyayari ito, dahil sa pinasang TRAIN na pinaboran ng majority of the Senate. Naalala niyo nang sinabi ni Angara na Christmas gift daw sa mga Pilipino? Christmas pahirap ang nangyari.  Kailangan natin ng senador na hindi sunod-sunuran kay Duterte. TRAIN 1 palang ang effective, may nakaambang TRAIN 2 at TRAIN 3. Pag nanalo ang mga senador na bumoto sa TRAIN, mas lalo tayong mahihirapan sa TRAIN 2 and 3.

 

 

Alam niyo kung paano nagkakalat ang fake news. Kailangan natin ng senador na susupil dito. Yung senador na gagawa ng bill para maging batas na susupil sa kasinungalingan.  Kung gusto natin tuluyang patayin ang fake news, kailangan tayong bumoto sa tamang tao sa Senado.

 

 

Alam natin, na pilit binabago ang Constitution ngayon, para magkaroon ng unliterms ang iilan. Sobrang gastos ng federalism, saan kukunin ang pera? Sa atin na naman. Dagdag pahirap na naman sa bayan. Pag maging parliamentary government tayo, paano kung bumalik si GMA bilang Prime Minister? Alam natin kung anong klaseng corruption meron noon. Kailangan natin ang walo para hindi magtagumpay ang charter change.

 

 

Sa dami ng isyu ng graft and corruption sa administrasyong ito, may nakulong ba? Nagkaroon ng imbestigasyon sa senado, may nangyari ba? Kailangan natin ng senador na puwedeng ilagay sa blue ribbon committee para maimbestigahan ang kaliwa’t kanan na corruption sa administrasyong ito.  Kamakailan, sinabi ni Gordon, chairman ng Blue Ribbon Committee na hindi niya iimbestigahan si Calida. Kaya kailangan natin iboto ang walo para magkaroon ng Blue Ribbon Committee na walang kinakampihan or inuurungan.

 

 

Libo-libo na ang pinatay, may mga sanggol pa na nadamay. Naalala niyo yung imbestigasyon sa senado na sinabi na wala namang EJK daw?  Kailangan natin ng senador na magpoprotekta sa mga ordinaryong Pilipino. Kailangan natin ang walo para mag-imbestiga sa mga pang-aabuso.

 

 

Halos sinuko na ng administrasyong ito ang sole rights natin sa mga teritoryo natin sa West Philippines Sea. Bukod tanging mga opposition Senator lang tumututol dito. Hindi makausad kasi wala naman tayong numero sa Senado. Kaya kailangan natin ang 8 na makapasok, para ipaglaban ang teritoryo natin.

 

Kung ayaw mo sa mataas na bilihin, patuloy na patayan, fake news at corruption kailangan mong ipaintindi sa pamilya at mga kaibigan mo kung bakit kailangan niyong iboto ang walo. Bam Aquino, Chel Diokno, Gary Alejano, Pilo Hilbay, Romy Macalintal, Samira Gutoc, Mar Roxas at Erin Tañada. Team Pilipinas tayo!

 

Lalaban Para sa Bayan,

PAB

P.S. Kung gusto niyo pong magvolunteer, you can text 09777248167 or email at [email protected] Tara na, tulungan natin ang walo!

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *