Bakit Hindi Ko Kayang Magalit Ng Lubusan sa ABS-CBN?

Dear KaPAB,

Alam ko maraming nagalit sa ABSCBN nang nafeature si Bong Go sa ibat-ibang show nila.

 

 

Mula sa MMK pinalabas ang istorya ng buhay niya na walang kwenta. Pinalabas na isa siyang walang kwentang ama, kasi mas importante pa ang trabaho niya kaysa pamilya niya. Pilit na pilit ang kwento, pero lumabas ang katotohanan na mas mahalaga ang amo niya kaysa anak niya. Mantakin mo, nasa hospital na anak mo, hindi pa din pinuntahan? Isa sa mga pinaka walang kwentong episode ng MMK.

Sa GGV naman ginawa siyang katatawanan.

Kung nakikita natin na maraming guesting ang mga admin candidates, sa opinion ko po, hindi tayo dapat magalit.

Negosyo nila yan, besides pag hindi sila pumayag baka lalo lang silang gipitin ni Duterte pag nag renew ng franchise nila. Ilang beses na ba silang pinagbantaan?

 

 

Nagalit siguro ang Presidente kasi pinalabas ng istasyon ang political ad na to noong nakaraang election. Feeling ko Lang.

 

Isipin niyo kung ilang libo ang mawawalan ng trabaho? Paano na ang mga  love teams? Mawawala na din sila. Jadine, LizQuen, Kathniel, Mayward at marami pang iba.

Kaya importante na bumoto tayo ng tama, Senado na lang ang pag-asa natin. Pag mga mandarambong at sunod-sunuran pa ang manalo, basurahan ang kakalagyan natin.

Iboto ang karapatdapat.

 

 

Lalaban Para Sa Bayan,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *