Bakit Galit ako kay Manny Pacquiao

Dear Manny Pacquiao,

Eto yung unang letter ko sa inyo, dadagdagan ko lang po.

Hi po! Just want to let you know na isa po ako sa taga hanga nyo dati. Isa ako sa mga pumapalakpak pag nananalo ka, isa din ako sa mga nalungkot nung natalo ka ni Marquez.

Nakita ko po kung paano kayo nagsikap para maabot nyo lahat ng karangyaan na tinatamasa nyo ngayon. You may not be a perfect husband sa dami po naging kabit nyo but you are a legendary boxer.

Everything changed when you enter politics. Unti unti nakain po kayo ng sistema. Yung natutunan nyo po sa simbahan natin ginamit nyo sa kasamaan. Yes, Senator Manny we belong to the same church. Minsan nangingilabot ako pag naririnig ko kayo using God’s words, to justify the killings. Hindi yan tinuro ni Pastor, and alam kong alam nyo po yan. Yung ipagtanggol niyo ang pagpatay sa mga adik na parang sinasabi nyo na tama lang mamatay sila kahit ang mga inosenteng bata. Kung may TOKHANG na nung kabataan nyo, wala na sanang Pambansang Kamao ngayon, kasi di ba sinabi nyo na minsan sa kabataan nyo gumamit din kayo ng droga? Pero binigyan kayo ng chance ng Diyos na magbago, pero sa kagustuhan nyong sumipsip sa Presidente, kahit mali pinapalabas mong tama habang ginagamit mo ang salita ng Diyos. Hindi po ba kayo nangingilabot?

Sa Senado when you motion na palitan lahat ng chairmanship dahil sa utos ni Digong, akala nyo po ba nakaisa kayo? Hindi mo ba naisip kung bakit ikaw ang inatasang mag motion? Kasi they are giving you the dirty job. They are washing their hands sa kasamaang mangyayari at ikaw pinasubo nila. Ang pangalan mo ang nilalait ngayon. Syempre kasi medyo mahina kang mag isip, bilib na bilib ka sa sarili mo kasi akala magaling ka kaya sa yo binigay ang trabahong yan, HINDI MO ALAM NAUTO KA! Kasi ang mga kasamahan mo hindi masyadong minumura ng taong bayan. Ikaw, mula sa kanununuan mo ay sinusumpa na ngayon. HINDI YUN KATAPANGAN PO, KATANGAHAN YUN. Pinasok ka ng mga kasamahan mo sa bulsa nila, ginisa ka sa sariling mantika.

Pero at least hindi lang PAMBANSANG KAMAO ang title mo ngayon. You can consider the following suggestions:

  1. PAMBANSANG KAHIHIYAN
  2. PAMBANSANG UTUSAN
  3. PAMBANSANG TUTA
  4. PAMBANSANG UTO2x

Oh di ba lalo kang sumikat? Sa kasamaan nga lang. Sa susunod na makita kita sa simbahan, tatawagin kitang “BANTAY” hindi dahil bantay ka ng bayan. Tatawagin kitang “bantay”, kasi yun ang pangalan ng TUTA namin.

May oras pa para magbago, Sir. Wag mong hayaan na gamitin ka ninuman. Nakakaawa ka, ang dignidad na pinundar mo at ni Aling Dionesia, ay unti nang naglalaho kasi mas pinili mong maging mang2x sa administration na to.

Kanina natalo ka ni Horn, alam mo ba kung bakit I did not root for you? Kasi sinungaling ka. Sabi mo,

Manny Pacquiao Quote | Pinoy Ako Blog

You lied to all those who voted for you. Nakakasama lang ng loob na habang ang buwis ng taong bayan ang nagpapasweldo sa yo, hindi mo naman tinutupad ang responsibilidad mo.

You can’t serve 2 masters at the same time. Wala ka pang bill na naisabatas. Yung bansa natin lubog na sa problema. Pero mas pinili mo ang magboxing.

Ngayon, masisi mo ba ako kung mas ginusto kong matalo ka?

Isipin mo na lang na blessing in disguise ang pagkatalo mo, at least ngayon magagampanan mo na ang tungkulin mo sa senado.

Sana hindi na “Bantay ” ang itatawag ko sa yo sa pagbabalik mo sa Senado.

Yamot sa Uto-uto,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *