Bakit Daw Hindi Si PNoy Ang Pumirma ng Amnesty?

Dear Harry Roque and Trolls,

Hay naku nandito na naman tayo. Pagkatapos niyong magpakatanga sa date ng proclamation at application may bago na naman kayong pinapakalat.

Sabi niyo invalid ang amnesty kasi hindi si PNoy ang pumirma. At bakit si Former Secretary Gazmin.

Eto naman si Harry Roque, abogado pa naman, sumawsaw pa.

Dapat talaga si PNoy daw ang pumirma. Mukhang hindi naman kayo nagresearch mga beshie. Basahin natin ang Proclamation 75.

Pakibasa sa section 2.

In Section 2 of the Proclamation, the DND was tasked to process the application and approve the respective applications if they comply with the requirements. Thus, the proclamation, which has the effect of law, authorized the DND and its head to approve the individual amnesty applications.

At saka di ba Sir Harry, may tinuturo sa law school na “doctrine of qualified political agency”? Ang Secretary of National Defense is the alter ego of the president di ba? So yang kuda mo kasama ng mga minion mo ay isa na namang malaking fake news.

Kasi sa ilalim ng batas (Proclamation 75) at legal philosophy, the act granting the amnesty and the delegated authority to Sec. Gazmin are well supported. 

Grabe na ang acrobatic na pinaggagawa niya para ipitin lang si Senator Trillanes. Nag tandem pa kayo ni Sal Panelo. Pareho naman kayo hindi nagbasa.

Kadiri mga to. Ang laki ng sweldo pero tamad magresearch or kahit magbasa man lang. Tse!

Lagi Na Lang Nagreresearch Para sa mga DDS Trolls,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *