Bakit? Busilak ka, Teh?

Dear Ate Allantroy,

Hi! Matagal na pala hindi kita nasusulatan no? Nakita ko mga post mo, mukhang tinitira mo na naman ang rappler ha. Hanggang ngayon teh, bitter ka pa din kasi hindi ka nila tinanggap as writer?

Ikaw at ang mga minions mo ay hinaharass si Bea Cupin at si Paige Occeñola kasi nabasa mo na pinag-uusapan nila ang mga vagina nila.

Una ate AllantroyAllantroy, “pekpek” nila ang pinag uusapan nila. Hindi yun sa yo. Karapatan nilang pag usapan kasi kanila yun.

Insecure ka teh?  Bakit ba nagmamarakulyo sa topic nila? Ang siste sila ang nag-uusap tapos si Pia Ranada ang tinitira mo. Sabagay lagi naman eh. Sobrang insecure mo sa kanya no?  Sabagay, maganda si Pia, pangit ka, matalino si Pia, ikaw? Nevermind. Si Pia natanggap sa Rappler ikaw reject.

Ang totoo nagagalit ka kasi kiniquestion ng ibang journalist yung blogger accreditation na yan. Kasi ang guidelines na isa ay OK lang magmura kayo sa blog niyo. Kumbaga wala kayong susunding ethics. In other words troll style blogging.

At talagang hinalungkat mo pa ang 2011 post ni  Paige Occeñola, where nag tweet sya and her expression is “puta”. Parang desperado ka teh. Obviously you can’t tell the difference between freedom of expression and inciting to hate/violence. Profanity ay nagiging masama if you directed it to a person . Remember this video? Kung saan minura mo si Pia Ranada?

Yan sobrang balahura yan!  Yung video na minura mo ang ICC yun, balahura din yun.

Yung pagtitira niyo kay VP Leni, yun wagas ang pagiging balahura mo dun.

My point kung pag usapan man nila ang ari nila, wala ka na dun.  Gumagagawa ka ng isyu ngayon para malihis yung blogger accreditation niyo na parang troll accreditation ang mangyayari kasi anything goes sa kabalahuraan.

At syempre since sanay sa kabastusan ang mga DDS hinaharass niyo ang mga reporter ng rappler.

Laki ng pagka ampalaya mo sa Rappler no?  Di ba may DDS media na? Sumali ka na lang dun, bagay ka dun, troll like blogging, forte mo yun eh.

Kung makapan lait ka dahil lang pinag usapan nila ang vagina nila, wagas. Bakit teh? Santa ka ba?  Busilak?  Wag ka nga.

Yamot sa mga Ipokritong Tao,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *