Bakit Ayaw Pag-usapan ang Inflation?

Anong meron sa inflation rate ng Pilipinas ngayon at ayaw mag release ng BSP monthly forecast gaya ng dati?

Sa mga hindi nakakaalam kung ano ang inflation rate katulad ni DDS Tala Reyes explain ko po ha.

Pag mataas po ang inflation rate hindi po maganda yun. When inflation is too high of course, it is not good for the economy or individuals.  Inflation will always reduce the value of money. Ang ibig sabihin po natin ang kapasidad ng pera natin bumili ay humina. For example pag pumupunta po kayo sa palengke, kung dati ang isang libo niyo po ay dalawang bag, ngayon po isa na lang kasi po mataas ang inflation rate. So Ms Tala Reyes, hindi po panalo si Duterte sa mataas na inflation rate.  Talo po at mas talo po tayo. 😒

Eto po ang graph ng inflation rate mula sa panahon ni Aquino papunta sa admin ni Duterte.

Nang tinurn-over ni Pnoy ang ekonomiya kay Duterte 1.4% lang po ang inflation rate. Sa administrasyon ni Duterte tumaas po ito as high as 3.6 %. Ganito po kalala ang ekonomiya ng bansa.

Tapos bigla nag announce ang BSP na hindi na sila magbibigay ng monthly data forecast about inflation. Ano po ang tinatago?  Kahit pa hindi sila magbigay, mararamdaman pa din yan ng ordinaryong tao lalo na ngayon na malapit ng maapprove ang karagdagang ipapataw na buwis.

Nakakainis lang kasi ang monthly data forecast sana will give us an idea kung ano ang mga kailangan paghandaan.

Transparency ay wala sa bokabularyo ng admin na to.

Brace yourselves po mga kababayan ko sa karagdagang tax at mataas na inflation rate, it will be a stormy ride sa ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *