Bakit ang mga Bata?

Dear Pilipinas,

Araw-araw na lang may pinapatay na mga kabataan. Walang awang pinagbabaril, binubugbog at pinagsasaksak.

Ngayong araw sa Baguio, may natagpuan na namang patay.

Hanggang kailan mangyayari to sa bansa natin. Kung hindi pulis ang gumagawa ng pagpatay, bakit wala silang magawang paraan na malutas ito?

Bawat ina may takot para sa mga mahal nila sa buhay. Pag nakakakita ka ng pulis, hindi na ligtas ang pakiramdam ng mga tao.

Pilipinas, ilang kabataan pa ba ang kailangan mamatay bago natin mahanap ang boses natin para magsalita?  Ilang kabataan pa ba ang kailangan mabaril para mahanap natin ang tapang na lumaban?

Haist, hanggang kailan ka magtitiis, bayan ko?

Nasadlak sa Dusa,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *