Bagong Spokesperson, Binalahura ng DDS

Dear Secretary Harry Roque,

Kumusta naman po ang trabaho niyo? Nakakaloka naman tong statement niyo. Resibo.

Dilaw talaga agad? Adik sa kapangyarihan? Ang adik sa kapangyarihan yung taong kumakapit sa pwesto kahit taliwas sa prinsipyo niya ang ginagawa ng amo, ay go pa rin. Halimbawa po, yung taong pinapahalagahan kuno ang karapatang pantao, pero kung maka sipsip kay Duterte, wagas kasi gustong nakapwesto sa gobyerno, yun adik talaga sa kapangyarihan. Pamilyar ba ang halimbawa ko, Ser?

Oo nga pala kumusta naman ang mga kaDDS mo na blogger? Mukhang hindi pa umiinit ang pwesto mo sa pagkakaupo pinapaalis ka na nila, oh. Resibo.

Hala pati bayag niyo po nadamay na. Akalain mo yun, nabalahura ka ng mga kakampi mo? Nyek!

Mukhang hindi ka nila naintindihan, Ser. Nakakahiya lang kasi kahit respeto na man lang hindi ka nabigyan. May karugtong pa po yan.

Isang pagkakamali daw ang pag appoint sa yo. Paano yan pag tinanggal ka ng presidente? Balik abogado ka na lang? Hindi ka na kasi puwedeng bumalik as party list representative eh. Luh, wawa ka naman.

Sabi ko na talaga, yung mga bumoto ng P1000  na budget sa CHR dati, aabutan talaga ng karma.

Pero baka naman drama niyo lang to para kunwari kampi kayo sa press? Well, bahala kayo.

Sino kaya ang mananalo sa kay President Duterte, Team Propagandist or Team Hairy Harry?

Abangan.

Kakain ng Popcorn Habang Nanonood ng Rambulan,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *