Bagong Pasabog ni Duterte, Palpak na Naman

Dear Tatay Digong,

Mukhang quotang quota na kayo sa kasinungalingan sa buwang ito ha.

Una sabi niyo may offshore account si Trillanes. Resibo.

Nang pumunta si Trillanes sa Singapore at napatunayan na sinungaling ka, biglang bawi ka. Resibo.

Inamin mo na nagsinungaling ka, at niloko mo ang taong bayan, tapos pinahamak mo pa ang tsuwariwariwap mo na si Erwin Tulfo at Ate Mocha. Resibo.

Tapos may sinabi ka na naman about sa milyones mo. Resibo.

Luh sya di ba sabi mo dati mahirap ka lang? Resibo.

Bakit po Tay parang napakadali sa inyong magsinungaling?  Alam ko sabi niyo dati na nagtatanim kayo ng ebidensya. Resibo.

  Akala ko pa naman nagbago na kayo ngayong presidente na kayo.

Kagabi may pasabog na naman kayo. Resibo.

Di ba po sabi niyo Tay imbento niyo lang ang bank account dati, so ano ang ikoclose? Imbentong close din?

At saka Tay, sabi niyo sinara noong September 8 ang bank account tapos umalis papuntang Singapore? Resibo.

Tatay Digong,  September 19 po umalis si Senator Trillanes. Resibo.

At sinabi nga ng DBS bank na walang account si Senator Trillanes sa kanila.  Luh sya katigas po ng ulo niyo.

At saka po sa DBS,  hindi puwedeng magclose online. Dapat po personal appearance. May mga nagtry magtanong na netizen po. Resibo.

Tatay fake news na naman po kayo. Kung sino man nagbibigay sa inyo ng impormasyon, pinapahamak po kayo. Kasi puro peke ang binibigay eh. At wag sa Facebook ang gawing intel. Lalaki ng intelligence fund niyo, pero parang walang intelligence ang mga pasabog niyo.

At saka iwasan na pong magsinungaling, paulit-ulit na kayong napapahiya. Matanda na kayo, dapat magpakabait na, pag kinuha kayo ni Kamatayan impyerno ang bagsak niyo. Sabagay may mga pinatay nga pala kayo, baka doon na din ang tuloy niyo.

Nagsimula kayo sa fake news noong campaign period, nanalo kayo sa fake news hanggang ngayon ganun pa din ang ginagawa ng administration niyo, nakakahiya na.

Sabi nila  nagkabaku baku daw ang mukha ng mga nagpapakalat ng fake news at  nagsisilakihan ang pores. Totoo kaya yun? 😂😂😂

Magbago na po kayo, baka kunin na kayo ni Lord.

Nagdadasal na Mapabilis ang Pagsundo,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *