Bagong Panggigipit ng Administrasyong Duterte

Dear President Duterte,

Pikon po talaga kayo sa kritiko no? Nang pinuna kayo ni Senator Delima kinasuhan niyo sya. Ngayon naman kahit alam niyong labag sa batas kinasuhan ng mga tsuwariwariwap niyo si Senator Trillanes.

Bakit labag sa batas? Kasi ito ang basis ng kaso niyong imbento.

Senator Antonio Trillanes IV delivered a privilege speech on October 3, 2017, accusing President Rodrigo Duterte of undeclared bank transactions of P2 billion.

Earlier po di ba sabi niyo puwede kayong barilin kung sakaling lumampas ang pera niya sa 40 million.

So using yung statement mo sinabi ni Senator Trillanes in a PRIVILEGE na puwede na kayong barilin kasi lampas doon ang pera niyo sa bank account.

Una, sa ating saligang batas ang isang privilege speech in the Senate of a Senator – makes a senator immune from suit. Also, inciting to sedition has a penalty less than six years, so he’s privileged from arrest. Resibo.

Grabe ang mga tsuwariwariwap sa VACC ha mo kung makafile ng kaso parang hindi nag aral sa batas.

Ay oo nga pala, etong VACC na ito ang nagfile ng impeachment kay Ombudsman Morales, Andy Garcia, kaso kay Senator Delima. Parang mga attack dogs lang no.

Paras of VACC has been appointed labor undersecretary and VACC’s founding chairman na si Dante Jimenez ay head na ng Presidential Anti-Corruption Commission. Mukhang yung pagsisipsip paid off na no?

Well, unlike you Mr. President, si Senator Trillanes ay haharapin niya ang kaso niya. Hindi sya tatakbo or magtatago sa anumang korte.

Hindi kasi sya duwag. At hindi bahag ang buntot gaya ng iba.

Napansin ko lang, Ser. Sa administrasyong Duterte, pag kritiko kulong, pero yung mga self confessed drug lord and kumpare drug lord, laya. Patawa kayo no?

Yamot sa Balikong Administrasyon,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *