Bagong Pahirap sa mga Pilipino

Dear Dilawan, Dutertards and Nuetral,

Gusto ko lang pong malaman niyo na naaproved na po ang House Bill 5636, also known as the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) on second and third reading with 246 votes in favor, 9 against and one abstention.  Eto po ang tax reform package na sabi ni  President Rodrigo Duterte na urgent daw at kailangan maipasa.

Ano ba ang ibig sabihin nito? Bagamat hindi na magbabayad ng tax ang may kinikita na 250k, binawi naman ito sa excise tax. The bill will impose the following excise taxes on diesel fuel, liquefied petroleum gas and bunker fuel from its current rate of ZERO to PHP 3 per liter in 2018; PHP 5 in 2019 and PHP 6 in 2020.

So ibig sabihin nito kung tataas ang tax ng mga petroleum products, syempre ipapasa naman ng mga kompanya sa mga consumer, sa atin po.

So expect nyo po na tataas ang pamasahe at mga bilihin once pirmahan na to ni Duterte.

Ipanalangin natin na sana pagdating sa upper house baguhin nila ang version, sana. Kaya lang majority sa mga Senator ay kaalyado ng Presidente. Parang suntok sa buwan ang ating hiling.

So,  I guess papasanin ng lahat ang pahirap na dala ng 16 million.

Nag aalala,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *