Bagong Kabanata Para Sa Maynila

Dear Mayor Isko Moreno,

First congratulations for winning last election. Alam ko po it was not an easy fight, pero naipanalo niyo po ang laban.

Ang daming improvement ang kailangan ng Maynila. Nakakatuwa na sa unang araw mo palang ay binigyan mo na agad ng solusyon ang traffic sa may Divisoria.

 

 

 

Malaking tulong sa mga motorists at sa taong bayan. Mabuti na lang hindi ka nasilaw sa salapi.

 

Kahit milyon-milyon ang kapalit mas pinili mong pagsilbihan ang iyong siyudad.

Isa pa sa mga ginawa mo na nakakabilib, gusto mo din bigyan ng improvement ang Manila Zoo.

 

Sa ilang dekada walang nagpakita ng malasakit sa mga hayop doon, pero ikaw sa unang araw mo palang, nanawagan ka na na magtulong-tulong ang pamahalaan at private sector para maisaayos ang Manila Zoo at ang mga hayop doon.

Pati ang pagprepreserve ng mga parks and historical building ay isang magandang programs. Isang pagpapahalaga sa kultura at kalikasan.

 

Alam ko madami ka pang kailangan gawin. At alam ko hindi madali ang lahat, pero sana magtuloy-tuloy lang ang iyong mga magandang programa para sa Maynila.

Kudos po, Mayor Isko Moreno!

 

Sana Ol,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *