Bagong Biktima Na Naman

Dear KaPAB,

May namatay na naman habang nasa custody ng kapulisan.

Siya si Allan Rafael. Ayun sa kapatid biktima daw ng hulidap. Ninakaw daw ang relo at Iphone ng biktima.

Inaresto daw ito noong August 3.  OFW si Alan. Breadwinner ng pamilya. Umuwi sana para magpagamot. Nadiagnose kasi na may lymphoma cancer.

Nagchechemotheraphy si Alan. Dapat sana second session na siya. Pero ayun sa kapatid, hinuli daw at nilagyan ng patong-patong na kaso.

Nahuli siyang nakikipag away sa housemate niya. Tinanong pa nga daw ng nahuli kung original ang relo niya at Iphone.

Sabi ng kapatid ni Allan, paano magshashabu ang kapatid niya eh nagchechemo nga.

Sabi ng pulis, namatay daw sa shortness of breath, pero nagkwento pala si Allan sa pamilya niya na sinasaktan sya doon.

Kung tutuusin isa si Allan sa mga bagong bayani eh kasi OFW siya. Pero ang pait ng nangyari sa kanya, hindi man lang siya nakaligtas sa cancer.

Hanggang kailan laging ganito? Ang dami nang namamatay araw-araw.

Kaya niyo pa ba ang ganitong patakaran?

Naaawa sa Bayan ko,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *