Panibagong Batch na mga Sweldado ng Bayan

Dear President Duterte,

Akala ko po dati utang na loob niyo lang sa iba ang babayaran ng taong bayan, pati pala trabaho ng kamag anak niyo kami pa din ang papasan.

Eto ang mga sumusunod na babayaran ng buwis ng bayan.

1. Walter Ong.

Resibo.

Akalain mo po, kapatid pala siya ni Gregory Ong, yung nadismiss dahil sa Napoles link? Pagkadismiss nung kapatid, pasok agad ang isa pang kapatid. Sana naman walang binabayarang utang na loob dito no?

2. Judge Mary Ann Corpus Mañalac.

Eto yung judge ang nagpaalis sa mga tenant sa Mile Long Property na pag aari ng mga Prieto-Rufino na syang may ari ng Philippine Daily Inquirer. Di ba galit na galit kayo sa Inquirer? Sana ang promotion ay hindi bayad sa utang na loob na naman ha.

3. Maria Fema Toledo Duterte

Alam niyo po ba ang salitang nepotism? Nasa bokabularyo niyo po ba yan?

Tubuan ng hiya, please lang, bago kunin ni Lord.

Utang na loob niyo, buwis ng bayan ang ipapambayad? E di wow!

Yamot sa Makapal ang Mukha,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *