Ayun Na Nga Lumabas Na Nga Ang Totoo!

Dear KaPAB,

Alam natin kung gaano kalaki ang epekto ng pagpapasara ng ABS-CBN. Inamin na mismo ni Duterte na siya mismo ang nasa likod ng pagpapasara dito.

Kahapon yung kapartido niya na si Lray Villafuerte ay may interview with Karen Davila at ito ang sinabi Niya.

During the hearing Ang akala natin ang reklamo ay tungkol sa buwis, labor at ano-ano pang digibox kuno. Yun pala sa Lopez lang talaga ang problema. Nagpagod pa tayong makinig sa 13 hearing. Puro lang pala basura yun kasi luto na.

Hindi mapigilan na sumagot tuloy ni Angel Locsin.

Ngayon libo-libo ang nawalan ng trabaho, milyon-milyon ang apektado? For what? Sa kapritso ng iilan?

Ang mga TV Patrol regional networks ay kasabay sa mawawala. Umiiyak sila kahapon sa Ted Failon sa kawalan mg pag-asa. Sa sakit ng sinapit nila. Sa bawat region ilan ang mawawalan ng trabaho? From the anchor to the technical staff.

Samantala ang mga Representative na bumoto sa pagpapasara ng ABS-CBN ay masayang nagtatawanan sa kanilang ginawang kasamaan.

Remember their names and faces, may araw ang paniningil.

Yamot Sa Mga Asal Demonyo,

PAB