Ayaw Sa Tulong, Gusto Utang

Dear Duterte Supporters,

Kung napansin nyo hindi ko kayo tinawag na Tards, Trolls or Brand X.  This is a serious matter na gusto kong maintindihan niyo.

Your president made a declaration na tinatanggihan niya na ang EU Aid sa bansa. We are talking here of billions of peso na napupunta sa mahihirap lalo na sa Mindanao.

Just so you know ang naitulong ng EU sa atin sa taong 2014-2015 at ang mga sumusunod:

Agriculture and Food Security

• 26 seaweed farmers (15 women and 11 men) in the island province of Tawi-Tawi trained on organisational & financial management

Health

• 9.6 million households corresponding to about 31.8 million inhabitants have enrolled in the National Health Insurance Programme

•71 provinces have each published 3 documents related to health policy: the annual budget, statement of receipts and expenditures and the annual procurement plan as part of the government’s commitment to good governance and transparency (up from 45 provinces in 2010)

• 5.4 million one-year old children have been fully immunised (DPT3 diphtheria, pertussis, tetanus and measles)

• 53% of essential drugs have been available in public health facilities (up from 25% in 2010)

• 4.8 million births were attended by skilled birth attendants in health-care facilities

Transport

• 140 km of farm-to-market roads have been rehabilitated

• 1 400 hectares of watershed areas have been protected through soil and water conservation and plantation

Migration

A guide has been produced aimed at Philippine healthcare workers working abroad to facilitate them to take up sustainable livelihood opportunities should they decide to return and reintegrate to the Philippines.

Marami pang proyekto sana ang maaaring makatulong sa mahihirap nating kababayan.

Wala tayo sa posisyon para magmayabang kasi nagbabayad pa nga tayo ng utang. Ngayon dinagagdagan na naman ni Duterte. Akala nyo tulong ang binibigay ng China?  Utang yun na babayaran natin pati ng mga apo natin.

Kung mapapansin nyo luging lugi tayo. Ayaw nating matulad sa Venezuela na halos bagsak na ang ekonomiya.

Maaring sabihin nyo na dapat maging independent tayo, pero saan tayo kukuha ng pampalit?  Uutang na naman sa China? Alam kong nakikita nyo ang mali, wag maging bulag kasi ang nakasalalay dito ay hindi lamang buhay nyo kung hindi buhay din ng pamilya nyo kasama na ang magiging mga anak nyo.

Hindi nakikinig or nagcoconsult man lang si Duterte sa kanyang economic team. Baka sa inyo na mga supporters niya ay baka makinig sya.

Hindi na to election na dapat may manalo. Tunay na buhay na to na apektado na ang bawat Pilipino.

Ikaw, ako, maka Duterte man o Dilawan. Maka Kaliwa man o Kanan, Maputi man o Kayumanggi. Kinabukasan natin nakataya dito.

Wag maging bulag. Punahin ang mali, purihin ang tama.

Mahal ko ang Bayan ko,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *