Atras Sa Debate, Pero Bida Sa Pambabalahura Ng Babae

Dear KaPAB,

Noong Lunes drawing ang Hugpong sa debate. Daming palusot. Kesyo wala daw rules, kesyo walang coordination.

 

 

Pero pagdating sa pambabalahura ng kababaihan aktibo ang tatlong itlog na to.

 

TOLENTINO and JUNGGOY

 

 

Huy mahiya ka naman Tolentino, talo ka ni Delima, kaya huwag kang imbento.

 

 

Ikaw naman Jinggoy nakulong ka dahil sa kasong pandarambong kaya huwag mong isisi kay Delima ang mga gawa mo.

 

BONG GO

Bawat speech mo, kailangan isama mo si Kris?  Kailangan talaga balahurain niyo siya ni Phillip Salvador? Walang plataporma de gobyerno kaya gawin na lang joke time ang babaeng niloko ng alalay mo?  Huy konting hiya naman.

Hindi pa ba sapat na halos kinalat mo na ang pagmumukha mo sa bawat kanto ng Pilipinas? Talagang kailangan manahin mo ang pagiging balahura ng amo mo?

Kaya mga Ka-PAB, tandaan niyo ang pagmumukha ng mga taong bastos na to. Hindi ito karapatdapat na ilagay sa kahit anong pwesto sa gobyerno.

 

Yamot sa mga Bastos,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *