Ayan Pinatigil Na Naman Siya Sa Pagsasalita

Dear President Duterte,

Naiintindihan ko naman na marami kayong idea about patayan and drugs. Pero kailangan niyo din pong maintindihan pag inimbita kayo sa ibang bansa wala masyadong DDS doon na papalakpak sa inyo kahit 24 oras kayo naglitanya. Di ba nangyari na ito sa Japan?

 

Tapos akala niyo siguro puwedeng gawin uli ang ganito sa Russia no?

 

Ayan dalawang beses tuloy kayong sinabihan ng “wrap it up”.  Nakakahiya di ba?

At saka, Mr. President hindi bumebenta ang mga joke mo na ganito:

” I am not a killer. Some say a killer of what. Maybe .. you know what is it. You are all practising it… Killing… girls maybe? Woman? We are good at that. “

Di ba hindi sila tumawa? Kasi hindi naman sila mga DDS na blind fanatic.

I think aside sa pananamit kailangan din may mag advice sa iyo kung kailan dapat tumigil at anong joke na appropriate sa sitwasyon.

Another suggestion, since pare-pareho lang naman ang topic mo from patayan to drugs, mag record ka na lang kaya ng speech na maikli at yun na lang iplay mo tapos ibuka mo lang bibig na parang sumasabay sa recording. Di ba ok Yun?At least di ka pa nila patitigilin kasi maikli lang. At di ka mapapagod, may sakit ka pa naman.

Yung akin lang ay suggestion ha, baka mapikon na naman Mga supporters mo.

 

Self-appointed Adviser ni Digong,

PAB 😂😂😂

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *