Ayan Na! Ayan Na, ang Rumaragasang TRAIN!

Dear President Duterte,

Oh anong pahirap ang dala mo sa bagong taon. Minadali mo ang pagpasa ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train) bill. Sabi mo para sa “Build,Build,Build” project mo, pero puro loan ka naman sa China.

Sige tataas ang take home pay ng mga may trabaho. Resibo.

Pero paano naman ang mga mahihirap nating kababayan? Papasanin din nila ang pagtaas ng mga bilihin pero wala naman silang take home pay na tataas. Yung mga nasa minimum wage earners, wala naman silang tax na tataas talaga eh, pero sabay sabay natin na papasanin ang pagtaas ng mga basic needs and services.

Nagsisimula na. Resibo.

Yung mga may kainan na may mga unlimited sodas, pinatigil na. Baka susunod na ang paborito ng lahat ang unlimited rice.

Ang mga oil companies nagbigay na ng babala. Resibo.

Kasunod nito ay ang mga pamasahe na. Sa jeep. From P8 magiging P12 na. Resibo.

At sa mga taxi naman. P16.00 na dagdag per kilometer na pamasahe ang mangyayari. Resibo.

Yung mga may trabaho may buffer na konti, pero ang mga mahihirap na kababayan gaya ni Mang Tasyo na magtataho, si Aling Bebang na nagbebenta ng candy sa gilid ng kalsada or si Mang Juan na nagshashine ng sapatos at marami pang iba, lahat sila MALULUGMOK sa kahirapan.

Hindi ka na naawa. Puro pahirap ang binibigay. Namamatay na ang mga Pilipino sa Tokhang ngayon mukhang papatayin na naman sa gutom.

Wala kang puso.

Yamot sa Berdugo,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *