Ayan May Award ka na!

Dear Assec. Mocha,

Balita ko may award daw po kayo from the Alumni Association of UST. Resibo.

Congratulations! At least ngayon may award ka na. Nasasad lang ako kasi ang daming nagbabash sya sa yo. Pati mismo Student Council ng UST may pagtutol sa award na binigay sa yo. Resibo.

Ayaw nila sa yo, kasi purveyor ka daw ng fake news. Hindi ka daw deserving ng award. Ang sakit no? Na binabash ka? Yan din po ang ginawa niyo sa akin last week ng mga minions niyo po when Inquirer gave me the award as Filipino of the Year. In fact si Sasot oras-oras bumubula ang bibig. 16 posts in 16 hours. Resibo.

Di ba hindi maganda sa pakiramdam. Balita ko, naboo ka pa pag akyat mo sa stage noong tinanggap mo ang award. I am sorry to hear that.

Sa sobrang backlash ng award mo, nagpaliwanag pa ang nagbigay ng award. Resibo.

Inspiration ka daw. So wag ka nang magphotoshopped para siraan ang ibang tao ha. Resibo.

Kasi may award ka na. Patunayan mo sa mga basher mo na deserving ka sa award.

Wag mo na rin idamay si Nostradamus sa fake news mo. Resibo.

At saka wag kabastusan ang bukam bibig. Wag puro “bayag”. Resibo.

 

Ngayon na tingin nila sa yo na inspirasyon ka, wag ka nang balahura.

Gamitin mo ang award mo to be a better person. Dapat ang loyalty mo sa bayan, hindi sa presidente.

Anyway, congratulations! Sana hindi matuloy ang pagbawi ng award sa yo. Nakakaawa ka naman. Hayaan mo na lang mga bashers, ganun talaga, bilog ang mundo eh. Minsan ikaw ang nambabashed, minsan ikaw naman ang nababash. Alam mo naman ang karma, digital na.

Nangingiti ng Slight,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *