Ating Balikan ang mga Pangako ni Duterte

Dear Tatay Digong

Sabay sabay nating balikan ang isang taon ng inyong panunungkulan. Para po at least may guide po kayo kung aabot pa po kayo next year.  Wag niyo po sanang mamasamain.

Hindi na namin kayo sisingilin sa jet ski papuntang panatag shoal. Malabo na yun. Yung traffic at MRT mukhang hindi rin niyo natupad. Yung sabi niyong eradication of corruption, mukhang para lang yun sa selected individuals. Kasi si Aguirre nainvolve sa bribery scandal pero nandiyan pa. Si Cesar Montano na ginawang family incorporation ang office niya kasi lahat halos ng member ng pamilya sweldado ng gobyerno, nandiyan pa. Yung isang secretary na humihingi ng signature shoes  at pang shopping sa mga sponsor hindi nyo rin naalis. So basically fail kayo sa promise na yun. Yung 15 pesos per kilo na bigas drawing na lang po yun. Yung doble na sweldo sa mga teachers at police, wala na din yun. Yung drugs na mawawala in 6 months, hindi pa din nangyayari. Yung sabi niyong walang junket travel sa panahon niyo, I guess pambobola lang yun.

Ngayon po Tay eto naman po ang mga nangyari sa nakaraang taon. Almost 12000 unsolved deaths. Wala na pong EU na tutulong sa atin. Yung palitan ng piso laban sa dolyar from $1 -46 ngayon po $1-50 na po. Yung pamasahe sa jeep bumalik na po sa 8pesos. Mataas na po ang presyo ng mga bilihin. Lubog na po tayo sa utang sa China. Tuluyan niyo na pong hindi pinaglaban ang West Philippines Sea. Naipalibing niyo na pala si Marcos sa LMNB. May plano pa kayong excise tax at 12% remittance tax fee ng Mga OFW.  Yung SSS po nalugi sa first quarter. Yung mga nahire niyong the best and the brightest, hindi pala sila bright. Yung Mindanao lalong gumulo. Tapos yung mga NPA na kaibigan niyo pinapatay pa din ang mga sundalo at kapulisan.

So Tay, ang natupad niyo lang po yata ay yung pagpalibing kay Marcos at ang  “it will be bloody”. Dami na pong patay eh.

Tay, kung sakali pong umabot pa kayo next year sana naman makaahon ang bayan sa hirap. Lugmok na po ang Pilipino sa kahirapan eh. Pero kung di na po talaga kaya ng health niyo, rest na po kayo. Baka po kasi sumabay ang Pilipinas sa paglibing niyo kung saka sakali.

Ayaw Mambola,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *