Atin Ang West Philippines Sea

Dear KaPAB,

Lahat tayo nagulantang at nagalit dahil paggising natin kanina, nagkalat ang mga tarpaulin na nagsasabing province na tayo ng China.

Kahit ang mga DDS ay triggered. Pero hindi ba dapat magalit din sila sa kay Duterte kasi sinabi niya ito?

Wag sana silang selective, right? Yang idea na province ng China ay unang lumabas yan sa presidente.

Eto pa ang nakakatawa, kung sino-sino ang pinagbintangan. Pati ako nadamay na.

Porke naka yellow at naka eyeglass ako na agad? Nag-issue na ng statement ang MMDA.

“Mistranslated” lang daw. Kapatid yan ng “symbolism” at “out of context”.

Pero kahit na may statement na ganyan, may mga death threats pa din ha sa mga comments.

Palibhasa sanay sila sa fake news kaya kahit may resibo na, doon pa din naniniwala sa fake news.

Masakit pakinggan or mabasa na tayo ay probinsiya ng China kahit wala pang pormal na pahayag ang Malacañang. Kung may dapat sisihin dito, walang iba kung hindi ang presidente, kasi sinayang niya ang pagkapanalo natin 2 years ago.

Yamot Sa Fake News at Traidor,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *