Associate Justices Nagmamadali?

Dear Senators,

Nabasa niyo po ba ang news today sa Philippines Star?

Di ba nag release ang SC na sa May 17 na raw? Ayan po ang balita, kasi babalik kayo from break ngayong May 15, sa May 11 na daw ilalabas.

Kasi syempre pagbalik niyo ng May 15, obligasyon ng lower house na ipasa na sa inyo ang impeachment proceedings. Yun naman talaga ang trabaho niyo base sa ating saligang batas di ba?

So kung totoo na inaagahan nila, hindi ba kayo naiinsulto? Eh parang usurpation of authority na yun ha. Kaya nga may 3 branches of government para walang epalan ng trabaho.

Kaya lang kung ang director ay Presidente na inamin niya na galit siya kay CJ Sereno, siyempre yung mga sipsip na senators magpapaubaya na lang kahit mali ang ginagawa nila di ba? Kahit pa siguro agawan kayo ng role sa pelikula tatanggapin niyo kasi takot kayo di ba?

Huy, magkaroon naman kayo ng tapang, aba lantarang pang iinsulto na sa opisina niyo ang ginagawa ha. Baka naman gusto ninyong itayo ang bandila ng senado.

Or komprontahin ang mga nagmamadaling mga Associate Justices? Simulan niyo kay Aling Tersing, na parang sobrang atat na maimpeach si CJ Sereno. Daig pa ang gumawa ng impeachment case na si Atty. Gadon.

Sino kaya sa inyo ang matapang na papalag?

Mataray na Maghihintay ng Kasagutan,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *