Mocha Uson, Headline Lang ang Binabasa?

Dear Assec Mocha Uson,

Minsan naman tubuan ka sana ng kasipagan sa pagbasa. Nagpost ka naman nito.

Hindi mo man lang binasa no? Binigyan mo agad ng spin ang balita base on the title. Kaya ka fake news queen eh, basta ka na lang kumukuda kahit hindi nagbabasa.

Kung binasa mo sana malalaman mo na ang reason ng pag extend ay ang logistics.

Ayan oh, kulang ng revisor. 42 lang nakapasa sa psychological exam. Ang hirap sa yo, kumukuda ka ng hindi iniintindi ang article.

Palibhasa hindi mo alam ang electoral process. Sana naman huwag kang mahiyang magtanong, para hindi ka napapahiya.

And for the record, pumirma din ang abogado ni Marcos sa pag extend ng recounting.

Sa 130k na sweldo mo, wala kang ginawa kung hindi magpalaganap ng fake news. Niloloko mo ang mga followers mo. Pinupuno daw ang taumbayan, tse! Ang taumbayan punong puno na sa kasinungalingan mo! Mabilaukan ka sana!

Irita sa Tamad Magbasa,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *