Kapit mga Bes!

Dear KaPAB,

Sabi nila para na daw tayong Singapore, parang hindi naman. Base from this report ang layo natin.

https://www.entrepreneur.com.ph/news-and-events/ph-is-2nd-least-startup-friendly-country-in-asia-pacific-says-report-a00200-20180320

Etong survey na to ay binalita sa Inquirer at Manila Bulletin last week. Base sa survey sa taas  ang bansa ay #2 MOST UNFRIENDLY NATION FOR STARTUPS!!

Ibig sabihin mahirap magsimula ng negosyo sa atin ngayon. Anyare mga bes, from Asia’s Rising Star to Falling Star?

Nakakatakot ito sa economy. Kaya siguro noong March 20, nagpasa si Senator Bam, to cushion the fall gumawa ng Senate Bill 1532, otherwise known as “Innovative Startup Act” geared to stop the hemorrhaging status of the Philippine business climate which on the findings of the Value Penguin Survey – we are now second to the last. Hong layo natin sa Singapore oh.

Sabi ng Value Penguin eto daw ang status natin.

In the Asia Pacific Region, we are now:

  •  11th on Business Climate
  • 10th on Cost of doing business
  • 12th on Economic Health
  • 12th on Trust on lnstitutions
  • 12th on Ease to Start a business
  • 12th on Internet Access
  • 12th on Banks/100k population
  • 10th on Doing Business Category
  • 11th on Salary Rate, and the only “bright” level was our Quality of Labor Force – which landed on 5th Place – behind Japan, Singapore, Thailand and Malaysia.

Tapos yung Philippine Stocks Exchange Inc (PSEI) reported that from January 1 up to March 20, 2018 – they lost more than 1,000 points; becoming the worst performing Bourse in the whole Asia Region in the First Quarter of 2018.

Tapos yung peso performance natin is at its worse. Weakest performance ang peso, tapos sinasabayan pa ng pagtaas ng bilihin. Ang inflation rate natin is almost 5% at maaring tumaas pa ito ng as high as 7%.

Parang kailan lang, noong December 2015 ang tawag sa atin ng Asian Wall Street Journal ay “The Rising Tiger Economy of Asia” Nalagpasan pa natin noon ang Chinese Economy by 0.3% in GDP Growth! After 21 months, ano na ang kinabagsakan natin.

  1. Malulubog tayo ng utang sa China.
  2. Ang taas ng bilihin.
  3. Nagpupullout ang mga investors at naglalay off ng mga employees ang mga negosyante.
  4. Traffic at sira pa din MRT.
  5. Accomplishment report ng PNP ay 20,000+ na ang mga namatay sa homicide under investigation.
  6. Naabswelto ang self confessed drug lord
  7. Under witness protection program na si Napoles.
  8. Gusto nilang patalsikin si CJ Sereno para mawala ang checks and balances ng gobyerno.
  9. Fake news at bastos si Mocha at nilulunod ang taong bayan ng incompetency ng gobyernong ito.
  10. Balahura pa din ang bibig ng Presidente.

Unless may magresign, may maimpeach or may kunin ng langit palubog na ang barko natin.

Tabangi mi Ginoo,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *