Asec.Mocha, Ipapahamak pa ang mga Sundalo?

Dear Ate Mocha,

Anong katangahan na naman to?  Alam nyo kung gaano ka delikado ang sitwasyon sa Mindanao kaya nga nagdeclare ang Martial Law ang lolo mo di ba?

I know you were instructed to defend the declaration of Martial Law, pero not this way naman na ipapahamak mo ang mga kasundaluhan natin. By posting their pictures and selfies sa social media, you are exposing their location and their identity.

Pati kung anong gamit meron sila, naexpose na din. As an Assistant Secretary ng PCOO dapat naman sana mag-isip ka muna bago mag post. Hindi ito about propaganda. Buhay ng mga sundalo natin ang nakataya dito. Tapos ngayon ang mga kasamahan mo sa “political marketing” sinusunod ka, kahit alam nilang mali. Eto si Senyora nag post na din.

Sabayan pa ni RJ Nieto at utos daw ni Krizzette Chu.

Sana naman bago nyo unahin ang propaganda, isipin nyo naman sana ang kapahamakan ng sundalo natin. Ang dami nang nalagas sa kanila, sa ginagawa nang grupo nyo parang tinutulungan nyo pa ang mga terrorista na mas lalo pang maraming malagas sa kasundaluhan natin.

Maawa naman kayo sa kanila. Lumalaban para sa bayan, para maayos ang gulo sa Mindanao, tapos kayo pinapahirapan nyo pa trabaho nila.

Mag isip ka naman bago kumuda sa social media. Hindi ka namin siniswelduhan para dalhin sa kapahamakan ang mga sundalo natin no nakikipaglaban sa mga terrorista!

Nagpapasweldo sa yo,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *