Asec. Lorraine Badoy and Asec. Mocha Nagkalat ng Fake News

Dear Asec. Lorraine Badoy and Asec. Mocha Uson,

Ang sarap pakinggan ng position na “Assistant Secretary ” no? Pero gusto kong malaman nyo po na may kaakibat to, na responsibilidad na dapat nyo sanang ipatupad.

Over the weekend nakita ko tong viral post from you, Asec. Badoy.

Marami ang pumuna at nagsabi na fake news ang post niyo. They send you a link para patunayan na mali nga and instead of admitting your mistake, you taunted pa those people who corrected you. Nagpost ka pa uli from PNA site na fake din ang info.

Na call out na nga fake nga and yet you did not retract your statement. Pinanindigan mo talaga ang pagsisinungaling mo.

Ikaw naman Ate Mocha sinabayan mo pa sa pagsisinungaling si Asec. Badoy? Post ka din agad sa page mo.

Akala ko ba ngayong Asec. ka na titigil na ang fake news kasi ikaw ang magchecheck. Anyare?

Mahiya naman kayo sa taong bayan na nagpapasweldo sa inyo. Pinaghirapan namin ang tax na binabayad namin tapos kasinungalingan lang ang inyong ibibigay?

Matuto naman kayong mahiya. Walang masama aminin ang pagkakamali. Ang masama alam mo na nga na mali, pinanindigan mo pa din.

Kung yan lang naman ang serbisyo na ibibigay nyo, mas mabuti pang magresign na lang kayo.

Dismayado,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *