Usec Kat de Castro, kayo po ba ang nag-adjust? ?

Dear Usec. Kat de Castro,

Kumusta po kayo? Isa po ako sa mga followers nyo po sa Trip na Trip. Kumusta po ang pagtatrabaho sa gobyerno?  Ano ang pakiramdam na nakikita nyo na ang mga problema from the inside?

Dati po walang humpay ang reklamo nyo sa traffic, sa MRT at halos sa lahat ng mga gabinete ni Pnoy. Yung Tatay nyo din po, gabi2x ang pagbatikos sa TV at Radio. Nakita ko po kung paano nyo po sinuportahan si Duterte. Kasi naniwala kayo na magkakaroon ng pagbabago. Malapit na pong mag one year, ganun pa din ang traffic, mas malala pa nga eh. Ang MRT problema pa din. May mga corruption pa din sa gabinete. Example yung isang secretary daw na nanghihingi ng pangshopping at walang habas gumastos ng pondo. Di ko lang alam kung kilala mo. My point is, bakit po ngayon tahimik na kayo?  Do you remember this tweet?

Yun ang isa sa mga dahilan kung bakit niyo binoto sya. I’m just wondering kung ano ang reaction nyo po ng sinabi to ni Duterte :

Inisip ko kung nagsisi ba kayo or nilunok niyo na lang lahat ng sinabi nyo at kayo na lang nag adjust sa prinsipyo nyo.

Dati grabe ang comment niyo kay Twerking Tolentino, pero ngayon ang tahimik nyo sa mga rape joke ni Duterte.

Nakalusaw ba ng prinsipyo ang position sa gobyerno?

Curious lang,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *