ASEAN in our Minds

Dear KaPAB,

Ang daming naganap sa ASEAN. Simulan natin sa palpak na tarp na tinanggal na. Resibo.

Magkano kaya ang nasayang na pera dito?

Tapos sumunod ang gala night. Nakita natin na ill fitted ang mga barong. Kung hindi mahaba ang manggas, maikli naman. Resibo.

Nagmukha tuloy mais si Trump. Eto pa, ayaw pag usapan ni Presidente ang West Philippine Sea. Resibo.

Ang masaklap, ay tinawag niya itong South China Sea. Haist.

Tapos after ng gala, meron na namang activity. At lahat sila ng head of state naka americana, si President Duterte nakatiklop ang barong sa mangas, pero hindi naplantsa ang damit.

Tinabi pa siya sa kay Papa Justin na sobrang tikas, lalo tuloy nagmukhang dugyot. Plinantsa na man lang sana ang barong bago sinuot.

Tapos yung ASEAN holding hands na nagmukhang eng-eng si Trump. Resibo.

Laughtrip di ba? 😂😂😂

Syempre makalimutan ba natin ang pang-aaway ni Sass Rogando Sasot kay Jonathan Head sa labas ng CR ng venue. Resibo.

Yung kung paano niya dinuro duro ang kawawang reporter na hindi naman ang nag interview sa akin. Yun pala gusto niya lang magpa interview. Luh, grabe sya no? Nambastos ng tao para lang sa interview. Tapos si Ate Mocha naman hindi man lang sinaway. Nakatingin lang sya habang hinaharass ang kawawang journalist ng BBC. Resibo.

Nakakahiya mang sabihin, pero parang nabastos ang ating mga bisita.

Ang pinaka last na event ay ang hindi pag attend ni President Duterte sa ASEAN-UN Summit.

Yun lang, parang nagpaparty ka sa bahay mo pero sarili mong party naindyan mo.

Abangan natin ang susunod na mga kabanata. Oppps bago ko makalimutan nainterview na pala si Sass. Resibo.

Sana hindi na manlaki ang mata niya pag nagagalit no? Resibo.

So that’s all folks. Bukas na uli ang updates!

Natatawa ng Slight sa Nanlalaking Mata,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *