ASEAN Chairman Hindi Imbitado

Dear President Duterte,

Hindi pala kayo inimbita sa prestigious G20 Summit held in Hamburg, Germany last week.

Bakit po kayo?  Eh Chairman pa naman kayo ng ASEAN. Alam niyo po sa inyo lang ginawa yan. Kasi po in 2016, Laos President Bounnhang Vorachith was invited kasi Chairman sya that year. In 2015, Malaysian Prime Minister Najib Razak was also invited for the same reason. Pero pagdating po sa inyo waley. Baka siguro naobserve nila na lagi naman kayong tulog or maysakit pagdating sa mga event. Or baka napansin nila na medyo balahura po bibig niyo kaya di na lang po kayo inimbita.

Sayang na opportunity sa bansa kasi ang laking event yun. The G20 Summit is one of the biggest international forums focused on financial and economic issues. It is participated in by leaders of the world’s major powers, including the United States, China, Russia, European Union, India, South Korea, and Japan.

Aside from the global economy, the summit also tackled terrorism, the 2030 Agenda for Sustainable Development, and fighting corruption, oh di ba ang laking tulong?

Akala ko po ba kaya kayo junket ng junket para maging maayos ang relasyon natin sa ibang bansa?  Anyare?  Para tuloy tayong may ketong na pinandidirihan na.

Sana maging lesson na ito sa inyo na mag behave at wag maging balahura kasi po you represent us. Pag bastos kayo baka akalain nila bastos din kami. Ayan tuloy di ka naimbita…

Mirisi ng Slight,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *