Around the Philippines with Assec. Mocha

Dear Assec. Mocha,

Trending po ulit kayo kagabi ha. May video pala kayo na sinabi to.

Luh, wala naman sa Naga ang Mayon. Nasa Albay po. Absent po siguro kayo sa school nang tinuro yun no? Or baka naman hindi kayo nagbabasa ng dyaryo. Kasi nasa news sya everyday ha.

Eto po ang distance ng Naga City at Albay Province. Resibo.

Ang layo di ba? Almost 2 hours na byahe.

Ang Mayon Volcano po ay permanenteng anyong lupa yan, hindi yan parang bangko na may Legazpi branch or Naga Branch.

Ayan nagreklamo itong isang netizen sa yo.

Oo nga naman. Baka lumikas ang mga taga Naga nang wala sa oras niyan. 😂😂😂

Since matatalino ang Pinoy, gumawa sila ng mga meme na nakakatawa. Magbabayanihan na lang daw ang mga DDS for you. Resibo.

Since idol ka nila, yung Mayon Volcano na lang mag aadjust. Para maging tama po statement mo po. Resibo.

Ayan, nasa Naga na! 😂😂😂

Pero kung sakaling magkamali uli po kayo, at nilipat niyo na naman, ready sila na ilipat sa US ang Mayon Volcano for you.

Pero kung sakaling magkamali po kayo uli, kasi nasa India kayo, ready din po sila.

Pero in fairness naman po sa yo, kinorrect mo agad sarili mo. Sabi mo.

Luh, mali pa rin po. Ngayon buong Bicol naman ang gusto mong pasabugin. Eto po ang Bicol.

Ano yan, may Mayon Volcano tour sa buong Bicol? Gawa kayo ng announcement na ganito? Ganern?

“Get ready for MAYON VOLCANO Bicolandia Tour.

First Stop: NAGA
Second Stop: Sorsogon
Third Stop:Masbate
Fourth Stop: Catanduanes

Some other places will soon be announced.”

Pero in fairness may kasabihan na sila for you.

“If LOVE can move a mountain, MOCHA can move a volcano.”

Taray! 😂😂😂

Anyway, wag masyado fixated kasi kay VP Leni. Ayan nakarma ka tuloy.

Natatawa ng Bongga,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *