Armchair Boxing Experts

Dear Senators,

May kwento po ako sa inyo, apparently ang tinatarget ng mga fan ni Pacquiao ay si Horn at ang buntis niyang asawa.

Apparently marami sa atin hanggang ngayon hindi makatanggap na natalo si Pambansang kamao.  Sabagay yung mga senators nga hindi makatanggap ng pagkatalo graciously eh.

Exhibit A

Akalain mo, may scorecard pa si Kuya Win.

Exhibit B

Eto pa, Malabo daw ang Unanimous decision. Luh, ang malabo pag split decision, yun may pag asa pang sabihin baka biased ang isang judge. Pero kung Unanimous decision, malinaw yun. Kasi iisa ang decision nila. Baka ang pagkaintindi niyo po ang malabo.

Exhibit C

Eto si Dick,  set up daw for rematch, luh,hindi ba puwedeng matanda na si Manny kaya natalo sya? Set up agad?

Exhibit D

Mabuti pa ito nagcongratulate lang. At least hindi feeling judge.

Guys,  you need to lead by example. Paano magiging mabuti ang mga ordinaryong Pilipino kung kayo na mga senador ay di marunong kung ano ang sportsmanship and accepting defeats graciously.

Unti unting nagdedeteriorate ang mabubuting values meron ang Pinoy and your statement is not helping at all para maibalik ang good values.

Hindi ba nakakahiya na kahit ang asawa ni Horn ay binabastos na?  Oh well sabagay bulag pipi at bingin naman pala kayo sa kabastusan ni Duterte,  so no wonder tahimik kayo.

Anyway congratulations guys,  you are now the armchair boxing expert of the Senate! 😏

Ang nagpapasweldo sa mga armchair expert,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *