Arangkada Ng Matandang NakaFentanyl

Dear President Duterte,

Kumusta naman ang mga kuda mo kanina? Parang puro si Trillanes ang topic.

Sabagay may sinabi ka naman about sa inflation. Sinisi mo ang pagtaas ng inflation rate sa pagtaas ng presyo ng krudo sa world market. Sabi mo pa hindi tayo nabiyayaan ng Diyos ng natural resource na langis na katulad ng Malaysia, Indonesia at Brunei na may sariling langis. Ang ating bansa ay kailangan umangkat ng langis sa ibang bansa . Pag mataas ang presyo ng langis eh parang may domino effect na ito sa presyo ng bilihin dahil ang aktibidades ng ekonomiya ay nakasalalay sa langis. Pero teka lang talaga nga bang sobrang taas na ng presyo ng langis ngayon sa world market?

Tignan.

Pakiverify po sa link na to.

https://tradingeconomics.com/commodity/crude-oil

Makikita dito sa legitimate global economics research website na ito na sa halos buong panahon ng termino ni PNoy ay napakamahal ng presyo ng crude oil na iniimport natin.

Ayon na din sa DOE

https://www.doe.gov.ph/downstream-oil

crude oil daw kasi ang ating iniimport. Ser, yung mga link, kailangan niyong ilagay sa browser para makita niyo ang data ha. Eto ang itsura ng browser.

Paturo kayo Kay Mocha para naman may silbi siya.

Going back, makikita mo na from 2011-2014 halos trading to more than 100USD per barrel ang presyo ng crude oil pero ayon na din sa Trading Economics hindi naman pumalo sa 6.4% ang ating inflation rate noong mga panahon na yun.

Lagay niyo po uli ang link sa browser, si Bong Go bilyonaryo naman ang utusan niyo.

https://tradingeconomics.com/philippines/inflation-cpi

Kung hindi niyo pa rin gets, sige explain ko pa. Luh, dami niyo ng utang sa sa akin ha.

Sige ganito kasimple.

Ngayon $67 per barrel ang halaga ng crude oil ang inflation rate ay 6.4%.

Noon halos above $100USD per barrel ang halaga ng crude oil pero hindi naman umakyat ng 6.4% ang inflation. Ang inflation noon ay naglalaro sa 4% lang.

Kung sisipatin pang mabuti parang wala pa sa 2% ang inflation rate noong bumaba si PNoy.

Kasalanan ba ng movement of oil prices in the world market kaya sobrang taas ng inflation rate natin ngayon? Malamang hindi. Malinaw na hindi. Di ba? So fake news ka.

So huwag kayong magpatawa at sisihin sa lahat ang mataas na inflation rate ngayon. Pati si Trump dinamay mo pa. Joker ka ba?

Ang totoo kaya mataas ang inflation kasi dahil yan sa TRAIN mo, na sinalaksak mo sa taong bayan. Ang dapat sisihin sa paghihirap ngayon ng mga tao, ikaw at ang palpak mong economic managers! Hindi si Trillanes. Hindi si Trump. Hindi ang mga Makakaliwa. Hindi ang Dilawan. Ikaw po ang may kasalanan kasi wala kang alam sa ekonomiya. Tse!

Yamot sa mga Incompetent,

PAB

P.S. Dami ko nang tinuro sa into ha. Wala man lang bang thank you?🤣🤣🤣

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *