Appointed Son of God, Weh?

Dear Pastor Quiboloy,

Kumusta po? Muntik na kayong maghimas ng rehas sa Hawaii no?

May mga tanong lang po ako.

1. Anong ginagawa ng $350,000 sa eroplano niyo? Hindi uso ang bank deposit or takot sa money laundering case? Church kayo dapat sumusunod kayo sa batas. Dapat tamang halimbawa.

2. At bakit may gun parts? Siguro naman dapat madeclare yan sa customs kung may kaukulang papel. Mapagkakamalan kayong gun smuggler niyan eh. Bawal yan di ba? Ayan hindi na naman kayo sumunod sa batas. Dapat tamang halimbawa.

3. Sabi ng spokesperson niyo hindi sa iyo yun, kung hindi sa business manager niyo. Hindi po magandang alibi yun. Una, kaninong eroplano ba ang sinakyan? Di ba sa yo? Pangalawa, hindi sinabi ng business manager mo ang pera at gun parts? Pangatlo, business manager mo, so para kaninong business ang mga perang yun? Weh, di nga? Kwento niyo po sa pagong. Mali kasi yung nagsisinungaling. Dapat magandang halimbawa.

4. Sabi niyo “Appointed Son of God” kayo. Sino po ang nag appoint? Kayo din po? Dapat ilagay mo “Self-Appointed Son of God”, ganern. Para klaro.

5. Kung talagang Appointed Son of God kayo, bakit hindi niyo na foresee na mahuhuli kayo sa Hawaii, aber? Kung nilevel niyo ang sarili niyo kay Jesus, dapat good example din kayo, gaya ni Jesus.

At bakit kayo nag eeroplano? Si Jesus naglalakad nga lang eh. Minsan sa tubig pa. So hindi niyo kalevel si Jesus. It is only in your mind.

Sumunod sa batas dapat kahit saang panig ka man ng mundo. Walang Duterte na sasalba sa yo, pag nasa ibang bansa ka. Ang batas dapat sundin, kahit Presidente ka man, Pastor ka man or security guard.

Yan, nawalan na kayo ng $350,000 or P18,020,000.00, nawalan pa kayo ng $15,000,000.00 or P795,000,000.00  na eroplano. Daming pera!

Naniniwala na si Jesus Lang ang Son of God,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *