Anyare sa ‘yo, Dick?

Dear Senator Richard Gordon,

Kanina habang pinapanood ko po ang hearing sobrang galit ang nararamdaman ko. Senador ba kayo ng bayan o abogado ni Polong Duterte?

You are the most hated senator sa social media today. Napaghahalata po kayong may kinakampihan. Tama po si Trillanes, ilang oras kayong nagmonologue sa pagtatanong, galit kayo pag nababanggit si Polong, ng mga whistle-blower. Salitan kayo ni Sotto sa pang iinsulto sa mga resource person.

Ang Blue Ribbon Committee po is a fact finding committe, hindi po yan korte. Paano niyo malalaman ang katotohanan kung hindi niyo iimbitahan ang lahat ng taong nabanggit. Kung talagang walang kasalanan si Polong, bakit hindi mo sya imbitahan? Ano po ba ang kinakatakutan niyo?

Hawak kayo sa leeg ni Duterte. Tama si Senator Trillanes, Commitee de Abswelto kayo. Your committe is there para iabswelto ang anything na may kaugnayan sa mga Duterte.

Kalevel niyo na po si Mocha sa pagsisipsip at pagtatakip sa Presidente. Pareho kayo ang pinagsisilbihan ang presidente at hindi ang taong bayan.

Takot po ba kayo kasi may kaso kayo at kayo ang balikan ni Duterte? Nakakahiya po kayo kanina sa hearing niyo. Pag involve ang mga Duterte, hearsay?  Hindi ba noong trial ni Delima halos lahat hearsay pero tinanggap niyo?

Sayang ang boto ng taong bayan. Kung ako sa inyo, palitan niyo na pangalan niyo, wala naman kayo niyan pag si Duterte ang pinag-uusapan.

Hindi kayo karapat dapat sa position niyo. Mula sa pagpatigil sa hearing last year sa EJK hanggang sa pagtatakip sa anak ni Duterte, wala po kayong konsensya.

Sana makarma kayo. Sana multuhin kayo ng 13,000 pinatay dahil sa EJK. Sana hindi nila kayo patulugin. Ang kamatayan nila ay nasa mga kamay mo. Dalhin mo ang kasalanan na yan hanggang sa kabilang buhay.

Taimtim na Nagdadasal para sa Karma,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *