Anyare sa Intelligence Fund?

Dear Chief Albayalde,

Yung suspect na pinakita niyo sa amin, hindi pala suspect yun?

Tapos sinisi niyo ang sakristan? Luh sya, anyare sa intelligence fund?

Naisip niyo po ba kung anong klaseng trauma ang puwedeng mangyari sa hinuli niyo po, tapos mali naman pala?

Naiintindihan ko po, na gusto niyo pong masolve ang krimen, pero sana ginamit niyo po muna ang intelligence fund niyo sa tama para po walang madamay na inosente.

Balita ko may suspect na kayong hawak sa pagkamatay ni Father Nilo. This time around, siguraduhin niyo na po na hindi yan mistaken identity, para masolve na ang kaso at magkaroon sya ng hustisya.

Sawa na sa Mistake ng Gobyerno,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *