Anyare Ping?

Dear Senator Ping Lacson,

Excited pa naman akong naghintay sa expose niyo po kaya lang nahalata ko po na parang may tinatago kayo. Napangalanan niyo na lahat kung sino ang involve sa smuggling pero pagdating sa Davao group mukhang may binawas kayo. Parang ginawa niyong fall guy si Faeldon eh.

Nasan na po ang tapang niyo Sir noong panahon ni GMA? Anong meron sa inyo si Duterte at mukhang tiklop po kayo sa kanya.  Bilib po ako sa inyo at di kayo tumatanggap ng pork barrel pero bakit hindi niyo ngayon maexpose ang mga kasamahan niyo na tumatanggap ng pork?

Sana hindi pa kayo nakain ng sistema. Sana po hindi po kayo tinakot ni Duterte. Part na nga pala kayo ng majority. Sana manindigan po kayo para sa mga biktima ng EJK, sana po ipagpatuloy niyo ang laban sa corruption. Sana po makita namin ang dating palaban na Ping Lacson.

Yamot sa mga Corrupt,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *