Anuman ang Resulta Mananatiling Bise Presidente si VP Leni Robredo

Dear KaPAB,

Bukas na magdedecide ang PET sa protest ni Bongbong Marcos. Yung kampo ni BBM nagbubunyi na kasi magiging bise-presidente na daw si BBM.

Luh, mga shonga! Agad-agad? Hindi yun ganoon kadali. Ang result ng initial recount ay lumamang pa rin si VP Leni at base sa Rule 65 dapat sanang idismiss ang protesta kasi yun naman talaga ang tama.

 

Kung susundin lang ng mahistrado ang sinasabi ng Rule 65, hindi sila mahihirapan magdecide. Kaya lang sa panahon ni Duterte, na ang mga batas ay nababaliko at nakukulong ang mga walang kasalanan, anything can happen tomorrow.

Halimbawa, kung majority sa mahistrado ay hindi ihonor ang Rule 65, hindi naman makakaupo agad agad si BBM.

 

Kasi ang dedesisyunan lang naman doon ay ang result ng initial recount conducted in the pilot provinces selected by Marcos.

The only issue that will be the subject of the said decision, which was reported to be issued on Oct. 8, will only resolve whether or not the election protest of Marcos will continue after the PET has recounted the ballots from the three pilot provinces (Camarines Sur, Iloilo and Negros Oriental) that he chose.

Kung sakali man muling mabaliko ang batas bukas ang mangyayari lang nito ay ipagpatuloy ang recount sa remaining 22 provinces at hindi katulad ng sinasabi ng mga trolls na makakaupo agad si BBM.

Kung ang tatlong province took 3 years bago matapos ang recount, hulaan natin kung kailan matatapos ang recount sa 22 provinces.

Huwag maniwala sa fake news, nakaka-LBM.

Ipagpatuloy lang natin ang suporta natin kay VP Leni at ipakita natin sa mga mahistrado na hindi tayo papayag na muling mabaliko ang batas.

 

Yamot Sa Mga Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *