Another Open Letter to Atty. Florin Hilbay

Dear Atty. Florin Hilbay,

After ng first letter ko po sa inyo, nasabi niyo po sa akin na pag-isipan niyo po. Eto naman po ako nangungulit na sana po tumakbo po kayo for Senator.

Nagkwentuhan tayo sa #GenWe tambayan kagabi. Bagamat naiintindihan ko ang hesitation mo nang sinabi mong, “wala akong pera, Jov. Ano ang ibibigay ko sa mga taong magtatrabaho para sa akin sa campaign? Kawawa naman sila”.

 

Ang sagot ko lang dito, marami kang supporters sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Alam ko, karamihan sa kanila ay willing magbigay ng oras para ikampanya ka for free. After all, nag-iinvest sila para sa kinabukasan nila. Kinabukasan ng bayan ang nakataya dito. Kailangan ng bansa ng matinong tao sa Senado. Kailangan ng mga Pilipino ng taong ipaglalaban ang kanilang karapatan sa teritoryo man o bilang tao.

 

 

Pero may nalaman ako na talagang nagpapakulo sa dugo ko. Apparently may isang grupo na kapanalig sa laban na pilit kang sinisiraan at nagkakalat ng tsismis para hindi ka mabilang sa opposition slate. Sana magkaisa na lang, rather na maging anay na sumisira sa mas nakakataas na laban.

Alam ko truth is on your side, kaya lang may mga grupo lang talaga, na hindi ko maintindihan why they are doing this to you. Pero ito lang masasabi ko, ang mga supporters mo, iboboto ka dahil sa mga ginagawa mo at hindi sa grupo kung saan ka mabibilang.

Kaming mga karaniwang tao ang magiging kaagapay mo, mula sa Tondo kung saan ka lumaki, hanggang sa Mindanao kung saan pinaglaban mo sila sa hindi pag extend ng Martial Law doon.

 

Bilang abogado, pinakita mo sa amin kung paano mo tinulungan ang bansa na ipaglaban ang teritoryo natin. Bilang Pilipino, pinakita mo sa mga opinion mo ang kapakanan lang ng bayan ang nasa puso mo. Bilang tao, binigyan mo kami ng inspirasyon para tuparin ang mga pangarap namin. From simpleng “Tondo Boy” na nagsikap maabot ang pangarap, ngayon isa nang matagumpay na abogado.

 

 

Sir, independent man o sa opposisyon ang magiging partido mo, asahan mo, hindi kami bibitaw sa yo.  Gumawa po ako ng page sa FB para po sa gustong maging volunteer sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang taong bayan ang partido mo. Ang taong bayan ang magpapanalo sa ‘yo.

 

Hindi kami mayaman gaya ng grupong naninira sa yo, pero yung limang piso namin, pag pinagsamama sa #LimangPisoParaKayPilo ay maaaring lumaki at maging sapat para umusad ang kampanya mo kung sakaling magdesisyon kang tumakbo.

Limang piso para sa kandidatura mo, limang piso galing sa ordinaryong Pilipino na sumusuporta sa yo.

Sana pag-isipan niyo po, kailangan po kayo ng bayan niyo.

Isang Makulit na Supporter,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *