Deadly Blow To Democracy Today

Dear KaPAB,

I’m sure nagbubunyi na naman ang mga DDS kasi natupad ang utos ng hari nila.

After 13 hearings pinatunayan ng ABS-CBN na wala silang pagkukulang. Based sa sagot ng BIR, DOLE, SEC, NTC etc,  sila mismo na walang pagkukulang na nangyari. Pero yung Technical Working Group ay parang ibang hearing ang napakinggan kasi Ang ginawa nilang posisyon ay against sa ABS-CBN.

Bukod tanging si Rep. Stella Quimbo ang nag dissent ng desisyon ng Technical Working Group.

Ito ang pinagbotohan at 70 ang bumuto para magsara ang ABS-CBN.

Sila po ang mga sumunod sa kagustuhan ni Duterte.

Sila pa ang hindi man lang nahabag sa 11,000 na pamilya na mawawalan ng trabaho. Sila po Ang mga walang pusong mambabatas na hindi man lang inisip ang kinabukasan ng libo-libong tao na umaasa sa Kapamilya Network.

Pero may 11 na may puso at konsensiya na bumuto ng Tama.

Mga mambabatas na ang taong-bayan ang inisip. Mga mambabatas na hindi nagpatakot sa mga demonyo. Mga mambabatas na nanindigan kung ano ang tama.

After ng botohan, may nakahanda agad na script ang mga troll farm.

Ganito ang kalakaran.  Mula sa simula troll farms ang laging may hawak ng narrative.

The buck stops kay Duterte kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Yung mga mambabatas ay mga pawn lang yan. Si Cayetano, Marcoleta, Remulla at Defensor ay mga tauhan lang yan.

Next time let’s vote right.

Yamot Sa Mga Mambabastos,

PAB