Anong Klaseng Presidente Ang Magpepresscon Ng Madaling Araw?

Dear KaPAB,

Nagpresscon naman ang Poon ng 1:30AM para magparinig sa mga LGU.

Noong unang speech pinasa sa LGU ang responsibility, now that LGU is performing well, nagbabanta?

Nag-ugat ba ito sa tricycle issue ng Pasig? Kung iisipin, may common sense ang suggestion ng ni Mayor Vico Sotto about sa tricycle.

Here is an illustration of @JiniMaraya of Twitter.

As long as 1:1 ang pasahero maiiwasan magkahawaan at mabibigyan ng solusyon ang problema ng mga maysakit na kailangan pumunta sa doctor for their medication.

Ngayon lang ako nakakita ng gobyerno na ayaw sa competent na LGU. Bakit kaya? Dahil nauungusan ang palpak na plano ng National government?

Pinagbawalan niyo ang Pasig pero sa Manila pumayag sila sa e-trike?

Hindi ba, mas malaki ang probability na may mahawa sa E-trike na yan?

Sabi ni Duterte kagabi:

“Problema kasi dito is COVID-19 is passable to people. Kaunting rubbing of elbows lang. We are imposing social distance kasi tao lang ang pwedeng magbigay ng sakit na ‘yan sa’yo. Iwasan mo ang kapwa mong tao. Duterte says that the army and the airforce will help those who are stranded.”

Eto ba ang nag-iimpose ng social distancing?

Eto ba dapat ang pagtransport sa kanila?

Hindi ba dapat matuwa si Presidente that LGUs are stepping up? Marikina, Rizal, Makati, QC, Valenzuela at Pasig mayors are trying their best para mapunuan ang pagkukulang ng National government. Pero pinagbantaan pa na kasuhan at inaatake ng mga DDS trolls.

At puwede konting konsiderasyon lang naman. Taped yung presscon  kagabi, natape ng alas-8 tapos pinalabas  ng ala una?  Hindi lahat ng Pilipino may sakit na insomnia. Hindi rin sila paniki. This pic is from @AltPCOOSec of Twitter.

Kung ayaw maungusan ang performance ng national government, eh di magtrabaho na lang sila ng tama.

Yamot Sa Incompetent,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *